Muling hihirit para sa kanyang ikalawang termino si incumbent Caloocan Mayor Along Malapitan na naghain na rin ng kanyang certificate of candidacy para sa pagkaalkalde sa Comelec sa SM Grand Central.
Kasama nitong naghain ng COC si Vice Mayor Karina Teh at buong Team Aksyon at Malasakit District 2 councilors.
Sumuporta rin sa COC filing ang maybahay ng alkalde na si Aubrey at ama nitong si Cong. Oscar Malapitan.
Ayon sa alkalde, marami pa siyang trabaho at proyektong nais itaguyod sa lungsod kaya umaasang muling pagkakatiwalaan ng mga batang Kankaloo. | ulat ni Merry Ann Bastasa