Pinangunahan ng independent candidates ang ikalawang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa pagka-senador ngayong araw (October 2), sa Manila Hotel.
Isa sa kanila ay si Magno Manalo, dating electrician, security guard, at ngayo’y pastor na umaasang makakakuha ng pwesto sa Senado. Isa sa kanyang mga ipinapangako ay ang libreng tubig at enerhiya para sa mga mamamayan.
Samantala, si Manuel Andrada ay naghain din ng COC bilang independent candidate na tumatakbo sa kabila ng kanyang edad.
Naging emosyonal naman si Beth Lopez matapos ihain ang kanyang kandidatura bilang senador sa ikatlong pagkakataon. Si Lopez ay dalawang beses nang nadiskwalipika ng COMELEC bilang nuisance candidate, dahil sa kakulangan sa pondo upang magsagawa ng malawakang kampanya, ngunit nagpupursige pa rin siya sa kabila nito.
Naghain din ng COC si Jonky Gargarita, dating military, na tumatakbo sa para sa kalayaan at para sa maginhawaang tirahan. Dati nang tumakbo bilang vice governor, si Gargarita, at ngayon ay nagnanais maging senador upang babaan ang presyo ng mga pagkain at tugunan ang isyu ng climate change.
Kahapon umabot sa 17 senador kabuuang bilang ng mga ang nag-file ng kanilang kandidatura para sa pagkasenador sa Manila Hotel Tent City sa Ermita, Maynila. | ulat ni EJ Lazaro