Sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Eli Remolona na ngayong nasa “target consistent path” na ang inflation ng bansa possible ang planong monetary rate cut.
Sa panayam ng international magazine sa BSP chief, kasunod ng 1.9 September inflation — pinakamababa sa loob ng 4 na taon, maaring i-calibrate sa less restrictive ang monetary policy stance ng BSP.
Sa katunayan anya bago ang 25-basis points nuong Agosto at interest rate cut nga US Federal Reserve nakikita na ng Sentral Bank ang pagbabawas ng interest rate sa bansa.
Samantala, positibo naman ang pagtaya ng ilang ekonomista at banko sa bansa na aabot sa 75 basis point ang ibabawas sa monetary policy ngayong taon.
Nangako ang BSP chief na patuloy na imomonitor ng Sentral Bank ang mga banta na magpapataas ng bilihin gaya ng presyo ng kuryente at iba pang global factors. | ulat ni Melany Reyes