Inaasahang makakamit ng bansa ang 3.1 percent inflation ng 2024, ito ay base sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Paliwanag ni BSP Assistant Governor of the Monetary Policy Sub-sector Zeno Abenoja, ito ay dahil sa mas mababang inflation rate sa buwan ng Agosto at Setyembre kaya mahihila nito pababa ang inflation rate para sa buong taon.
Pasok pa rin ito sa inflation target ng economic managers na nasa 2.0 hanggang 4.0 percent para sa taong 2024, mas mababa ito sa naunang baseline forecast na 3.4 percent.
Samantala, inaasahan naman ang uptick sa inflation sa susunod na taon na nasa 3.3 percent mula sa naunang pagtaya na 3.1 percent para sa 2025.
Sinabi ni Gov. Eli Remolona, inaasahan nilang bahagyang aakyat ang inflation rate ng 2025 at 2026 dahil sa ‘upside risk to inflation’ ito ay ang potential adjustment sa presyo ng kuryente at ang mas mataas na minimum wage sa mga lugar sa labas ng Metro Manila.
Habang mananatili naman na nasa ‘downside factors’ ang epekto ng mas mababang taripa sa imported na bigas.
Pagtitiyak ni Remolona na sa pamamagitan ng “within target inflation outlook” at “well anchored inflation expectation” masususportahan ang policy stance ng BSP na “less restrictive monetary policy”. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes