Inflation outlook ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa buwan ng September, nasa 2% to 2.8%

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na papalo sa 2.0 to 2.8 percent ang inflation sa buwan ng Setyembre.

Ginawa ng BSP ang pahayag dalawang araw bago ilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang September inflation.

Ayon sa Sentral Bank, ang mababang pagtaya ng inflation ay dahil sa negative base effect ng mababang presyo ng pagkain partikular ang bigas karne at gulay.

Dagdag din sa downward pressure ang lower domestic oil prices at paglakas ng piso kontra dolyar, at magsisilbing “offset” sa mataas na presyo ng isda, prutas at kuryente.

Pagtiyak ng monetary board, patuloy nilang ipatutupad ang mga hakbang upang patatagin ang presyo ng bilihin tungo sa sustainable growth ng ekonomiya at employment. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us