Binisita ng World Bank Group, sa pangunguna ni Senior Agriculturist Mio Takada, ang iminungkahing imprastruktura at mga paksa sa negosyo na ipatutupad sa Subanen Ancestral Domain sa bayan ng Dumingag sa lalawigan ng Zamboanga del Sur.
Ang proyekto ay bahagi ng 3rd World Bank Implementation Support Mission para sa Mindanao Inclusive Agriculture Development Project (MIADP).
Ang grupo ay malugod na tinanggap ng Indigenous Political Structure (IPS) ng mga Subanen sa pamamagitan ng isinagawang “Daga at Sangat” na ritwal.
Ang mga iminungkahing subprojects na siniyasat ni Takada at ng kanyang pangkat ay ang 42 linear-meter na tulay sa Bag-ong Valencia, 1.48 km na farm-to-market road mula sa Datu Tutukan papuntang Labangon, at ang tramline sa Datu Tutukan.
Layunin ng proyekto na maisulong ang inclusive agricultural development sa mga ancestral domain ng mga katutubong Subanen sa bayan ng Dumingag.
Ito ay ipatutupad ng DA Regional Office-9, sa ilalim ng Indigenous Peoples’ Harnessing Opportunities for a Progressive Economy program ng MIADP. | ulat ni Lesty Cubol | RP1 Zamboanga