Umani ng papuri mula sa United Nations at iba pang delegado ng Asia-Pacific Ministerial Conference Disaster Risk Reduction, ang mga isinusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kaugnay sa pagtugon sa Climate Change at Disaster Risk Reduction.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Environment Secretary Antonia Yulo-Loyzaga na matapos ang naging keynote speech ng Pangulo, personal siyang nilapitan ng ilang delegado upang ipabatid kung gaano sila na-impress sa kabatiran sa pagtutok ni Pangulong Marcos sa usapin ng Disaster Risk Reduction.
“The President’s keynote was very well received by the United Nations and by many of the delegates na talagang they came up and they said that they were so impressed by the President’s grasp dito po sa Disaster Risk Reduction on Climate Change Mitigation and Adaptation.” -Secretary Yulo
Sabi ng kalihim, nasa higit 5,000 ang delegado sa conference na ito.
Malaking bagay ayon sa kalihim na present sa kaganapan ang mga bansa sa Asia-Pacific, lalo’t marami pang matututunan ang Pilipinas sa linya ng pagpapatatag laban sa banta at epekto ng climate crisis sa bansa.
Una na rin aniyang sinabi ni Pangulong Marcos na ang Pilpinas ang nagsisilbing tulay sa pagitan ng Pacific island at sa Asya.
“Marami pa tayong puwedeng matutunan dito sa resilience ng mga pacific islanders and there is a lot of traditional knowledge that we actually can share and they can share with us. We are the bridge as the President said, between the Pacific Islands and the rest of Asia. And so we are uniquely positioned to actually host this conference, I think at this point in time.” -Secretary Loyzaga. | ulat ni Racquel Bayan