Isinasagawang business-friendly reforms, maglalatag ng red carpet para sa investors sa bansa – DOF Recto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Committed ang administrasyong Marcos Jr. na ipagpapatuloy ang dialogue sa Foreign Chamber of the Philippines upang paghusayin ang mga polisiya sa pamumuhunan.

Ayon kay Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto, ang mga isinasagawang business-friendly reforms ang maglalatag ng red carpet para sa mga papasok na investor sa bansa.

Kabilang sa mga reporma na ibinahagi ni Recto ang bagong batas on value added tax (VAT) sa mga digital service.

Nagbigay din ng update si Recto sa JFC sa progress ng Pre-border Technical Verification and Cross -border Electronic Invoicing system.

Ang JFC ay koalisyon ng anim na major international business chamber sa Pilipinas kabilang ang Amerika, Australia, New Zealand, Canada, Europe, Japan, Korea at ang Philippine Association of Multinational Companies Regional headquarter Inc.

Ang naturang mga international chamber ay binubuo ng 2,000 companies na may $100 billion dollars na bilateral trade at $30 billion na investment sa Philippine economy. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us