May natitira pang 2,975 consumer connections ang hindi pa naayos sa mga lugar na sinalanta ng nagdaang bagyong Julian sa Batanes.
Ayon sa National Electrification Administration-Disaster Risk Reduction and Management Department mula sa 8,149 na apektadong consumer connections, nasa 5,174 o 63.49 % ang naibalik na sa normal operation.
Bukod sa Batanes Electric Cooperative (BATANELCO)
grabe ding napinsala ang mga EC sa Abra at Benguet.
Ayon sa NEA, umabot na sa P34,295,899 ang halaga ng pinsala sa power distribution facilities ng tatlong electric cooperative .
Sa ngayon, nararanasan pa rin ang partial power interruptions sa service area ng BATANELCO.
Sa anim na munisipalidad, nasa normal na operasyon na ang suplay ng kuryente sa munisipalidad ng Basco, Itbayat at Mahatao habang nararanasan pa ang power outages sa munisipalidad ng Ivana, Sabtang at Uyugan. | ulat ni Rey Ferrer