Suportado ng Joint Foreign Chambers of the Philippine (JFC) ang pagsasabatas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang bagong batas sa pagpapataw ng value added tax sa mga digital services providers.
Ayon kay Arangkada Project Philippines Director Katie Stuntz, welcome para sa kanila na maging bahagi sa pagbalangkas ng implement rules and regulations o (IRR).
Sinabi naman ng American Chamber of Commerce na makikipag-ugnayan sila sa Asia Internet Coalition para makapag host ng workshop sa pagpapatupad ng batas katuwang ang Department of Finance (DOF) at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Nagpahayag din ang JFC ng pagsuporta sa isinusulong ng DOF na rationalization ng Mining Fiscal Regime na magbibigay daan sa mutual benefits sa pagitan ng gobiyerno at pribadong sektor.| ulat ni Melany V. Reyes