Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) na i-deploy ang Kadiwa Rolling Stores sa mga lugar na apektado ng Bagyong Kristine.
Isa lamang ito sa mga ginagawa na ng Marcos Administration upang masiguro na maaabot ang lahat ng mga Pilipinong apektado ng bagyo, at wala ni-isa sa mga ito ang magugutom.
Inatasan rin ng pangulo ang DA na palawigin pa ang operasyon ng Kadiwa Rolling Stores, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa pribadong sektor.
“I have directed the DA to deploy Kadiwa rolling stores to affected areas, and so that many people will be reached, to expand its fleet by contracting private vehicle owners.” —Pangulong Marcos.
Kaugnay nito, sinabi ng pangulo na bilang bahagi ng kampaniya laban sa profiteering, ang DTI, mahigpit nang binabantayan ang compliance ng mga tindahan, merkado, at groceries, para sa mga pangunahing bilihin, kung saan mayroong umiiral na price control, dahil sa State of Calamity.
Inatasan na rin ang DTI na siguruhin na walang magiging hadlang sa pagdaloy ng mga pagkain, goods, at iba pang pangunajing supply, patungo sa mga apektadong lugar.
“To blunt any attempt at profiteering, the DTI is monitoring compliance with the price control on selected goods imposed in all areas under the State of Calamity, in accordance with the law. The DTI is also directed to ensure the unhampered flow of goods in all the affected areas.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan