Kahalagahan ng mental health sa mga mag-aaral, binigyang-diin ng DepEd ngayong National Mental Health Week

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng mga mag-aaral na bantayan ang kanilang kalusugang pangkaisipan o mental health.

Sa pagdiriwang ng National Mental Health Week, naglabas ang DepEd ng mga paraan para matulungan ang mga estudyanteng may mental health problems.

Ayon sa DepEd, mainam na palagiang kumustahin ang mga estudyante upang makapagbahagi ang mga ito ng kanilang mga pinagdadaanan.

Mahalaga rin ang pakikinig at gumamit ng mga katagang makakapagpatibay ng kanilang kalooban.

Kasunod nito, hinimok ng DepEd ang mga estudyante na maaaring tumawag o mag-message sa Mental Health Crisis Response & Management Team.

Sa pamamagitan ito ng Email na: [email protected], Mobile na: 0945-175-9777 at Facebook: https://www.facebook.com/deped.lrpo

Sinabi rin ng DepEd na mayroon ding serbisyong binibigay ang National Center for Mental Health na 24/7 Mental Health Crisis Hotline para sa lahat. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us