Kahandaan ng bansa sa pagtugon sa pinakamalalang impact na maaaring iwan ng Super Typhoon Leon, siniguro ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pilipino na handa at angkop na naipatutupad ng pamahalaan ang disaster management efforts nito, sa gitna ng pananalasa ng Super Typhoon Leon sa bansa.

Ayon sa Pangulo, bagamat naging magkakasunod ang pagdating ng bagyo at sama ng panahon sa Pilipinas, at hindi pa halos nakakapagpahinga ang mga tauhan ng pamahalaan na nasa frontline ng pagtugon sa bagyo, nananatili aniya na ‘in control’ ang gobyerno.

“I assure the Filipino people that the government is ably handling all disaster management efforts. We remain in full control. Our resources and personnel may be stretched due to the impact of typhoons on multiple fronts.” -Pangulong Marcos.

Pagsisiguro ng Pangulo, sapat ang assets ng bansa upang pagaanin ang pinakamalalang impact na maaaring iwan ng super typhoon sa Pilipinas.

Handa aniya ang bansa sa gagawin nitong pagsasaayos matapos ang pananalasa ng bagyo, maging ang pagbangon at pagtindig mula sa pinsalang iiwan nito, nang mas matibay pa.

“Nevertheless, we have sufficient assets to mitigate the worst impact, recover from the wreckage, and rebuild stronger than before.” -Pangulong Marcos.

Lahat aniya ng kinauukulang tanggapan ng pamahalaan ay naka-full alert at handang ma-deploy, saan man kailanganin.

“Relief and recovery efforts continue in areas affected by Typhoon Kristine, while preparations are ramping up for Typhoon Leon. All agencies and instrumentalities of government remain on full alert, and remain ready to deploy aid wherever it may be needed.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us