Sa pagdiriwang ng World Migratory Bird Day, may pagmamalaking ibinahagi ng Agusan Marsh Wildlife Sanctuary Protected Area Management Office ang kasaganaan at nagagandahang migratory birds na mayroon sa Agusan Marsh, Agusan del Sur.
Pinagsisikapan ng pamahalaang panlalawigan na masustentuhan ang malusog na populasyon ng sari-saring ibon at nanawagan sa publiko na iangat ang kamalayan sa pagprotekta sa kapaligiran, lalo na sa mga dinarayong lugar ng mga migratory birds, nang sa gayon ay mapanatili ang mas malusog na ecosystem.
Dito ay maipagpapatuloy ang pagmamasid sa sari-saring ibon at kagandahan ng Agusan Marsh. | ulat ni Jocelyn Morano | RP1 Butuan