Mahigpit na tinututukan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang pagbibigay naman ng “Health Service” sa mga evacuation center.
Ito’y ayon kay NDRRMC Spokesperson Director Edgar Posadas ay bukod pa sa food items na ipinamamahagi sa evacuation centers na magtitiyak na may sapat na makakain ang mga nagsilikas dahil sa bagyong Julian
Sinabi ni Posadas na bilang pagtalima ito sa naging kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. bilang chairperson ng Office of Civil Defense (OCD-NDRRMC).
Partikular na tututukan, ani Posadas, ang health conditions ng mga nakatatanda, buntis, may kapansanan gayundin ng mga bata na nasa mga evacuation center.
Sa ngayon, sinabi ni Posadas na sapat pa naman ang bilang ng mga evacuation center sa mga apektadong rehiyon gaya ng Ilocos, Cagayan Valley, at Cordillera. | ulat ni Jaymark Dagala