Nagtipon-tipon kamakailan ang mga tauhan ng DOH Caraga Center for Health Development, Butuan City Health Office, at ilang breast cancer survivor mula sa lungsod ng Butuan.
Inilunsad ang Breast Cancer Early Detection Services Campaign kasabay ng paghikayat sa mga kababaihan na maging BREAST-Friend sa pamamagitan ng regular na breast self-examination at breast cancer screening.
Binigyang halaga ang boses ng mga kababaihang matapang na nakikipaglaban sa sakit na cancer upang maging halimbawa sa iba pang mga pasyente.
Ayon kay Dr. Karen Mae Durac, Medical Officer IV ng DOH Caraga, mahalagang ma-empower ang kababaihan, magkaroon ng kaalaman tungkol sa sakit na breast cancer, at makatanggap ng suporta mula sa komunidad.
a naturang launching, ito lamang aniya ang pasimula, hindi lamang ng awareness kundi magsisilbing inspirasyon at pag-asa.
Payo naman ni Dr. Eduardo Gonzalez, Committee Chair on Health ng Sangguniang Panlungsod, na walang dapat ikatakot sa pagkonsulta; bagkus, mas malaki ang tsansa na maiwasan ang cancer kung may maagang pagtuklas.
Nagpakita ng suporta ang Rotary Club – Butuan District sa isinagawang Commitment Pledge. Matapos ang launching, naghandog naman ng libreng Breast Cancer Screening Services ang DOH Caraga. Bukod dito, mayroon ding educational workshop hinggil sa breast self-examination. | ulat ni May Diez | RP1 Butuan