Aprubado na sa Kamara ang isang resolusyon na layong alisin na ang paggamit ng purchase slip booklet bilang requirement para makakuha ng diskwento ang senior citizens na bumibili ng gamot at iba pang produktong pangkalusugan.
Salig sa House Resolution 2031, hinihimok ang Department of Health (DOH) na alisin kaagad ang requirement na ito.
Punto ng mga mambabatas, nagsisilbing sagabal at pabigat para sa mga senior citizen ang DOH Administrative Order No. 2010-0032 at No. 2012-0007 para makuha ang kanilang pribilehiyo.
Sa kautusang ito nakalatag ang guidelines para makakuha ng 20% discount sa pagbili gamot at iba pang health related goods at services.
“There is an urgent need to discontinue the implementation of the purchase slip booklet as a mandatory requirement for the availment of the 20% discount, as it unduly burden our senior citizens in the process of claiming the privileges granted to them by law,” dagdag pa nito.
Dahil dito, inaatasan ang DOH na repasuhin ang mga AO at iakma sa Expanded Senior Citizens Act kung saan hindi nakasulat na kailangan ng purchase slip booklet para makakuha ng diskuwento ang senior citizen. | ulat ni Kathleen Jean Forbes