Kamara, muling iginiit ang pangangailangan sa paghihigpit ng issuance ng late registration of live birth

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling iginiit ng Quad Committee ng Kamara ang pangangailangan na maghigpit sa requirements para makakuha ng birth certificate, lalo na ang para sa late registration.

Kasabay ito ng pagsusumite ng Quad Committee ng mga dokumento tungkol sa mga Chinese national na kanilang naimbestigahan na nakabili ng mga lupa sa bansa, kahit pa ipinagbabawal ito sa ating Konstitusyon.

Ayon kay Quad Comm Lead Chair Robert Ace Barbers, kailangang maging mahigpit ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa mga requirement bago makapag-isyu ng Certificate of Live Birth lalo na sa mga nag-aapply sa ilalim ng late registration.

Karamihan kasi aniya ng mga Chinese na sangkot sa iligal na pagbili ng lupa at gumamit ng late registriation.

Inihalimbawa pa niya si dating Bamban Mayor Alice Guo na 19 years old na nang mairehistro ang kapanganakan.

“Kasi karamihan dito sa mga Chinese na ito ay late registration. So doon pa lang dapat magtaka nga tayo. Alice Guo, for example, 19 years old na siya nung nag-apply for Filipino citizenship. Sabi niya late registration dahil lumaki siya sa farm, hindi naasikaso ng kanyang mga magulang yung pag-rerehistro sa kanya. Kaya nga isa yan sa tinitingnan nitong Quadcom, kasama dyan yung ating local civil registrar kasi ang endorsement nang gagaling sa kanila bago umakyat sa PSA.” sabi ni Barbers

Inihalimbawa din ni Quad Comm co-chair Joseph Stephen Paduano si Aedy Tai Yang, na kasama sa pinapaimbestigahan nila sa Solicitor General na 1983 pa ipinangangak pero 2004 o higit 20 taon bago nairehistro ang kapanganakan.

Kapwa nanindigan ang dalawang mambabatas, na kailangang ayusin ang polisiya sa pagpaparehistro ng kapanganakan at kasama anila ito sa mga panukalang batas na kanilang binabalangkas sa ngayon. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us