Kamara, tuloy sa imbestigasyon ng paggamit ng confidential at intelligence fund ng OVP at DepEd

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi mag-a-adjust ang House Committee on Good Government and Public Accountability sa kanilang imbestigasyon ng paggamit ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) ng confidential at intelligence fund, dahil lang sa nakakabahalang pagpapakita ng galit ni Vice President Sara Duterte sa isang pulong balitaan.

Ayon kay Antipolo Representative Romeo Acop, vice- chair ng Komite, gagawin lang nila ang kanilang trabaho.

“Sa ganang amin, the performance of one’s duty should be the primordial consideration. Trabaho po namin ‘yun eh. And therefore dapat walang let up to show what really happened in so far as the confidential funds of the Office of the Vice President (OVP) and the Department of Education (DepEd) when she was still the Secretary,” ani Acop.

Tugon ito ng mambabatas nang mahingan ng reaksyon sa mga maanghang na pahayag ng bise presidente sa isang press conference.

Paniwala ni Acop, kinain ng galit at puot ang pangalawang pangulo.

Sabi pa niya, na lumalabas ang tunay na karakter ng isang tao kapag dumadaan ito sa isang mahirap na sitwasyon.

“I think she is being overwhelmed by anger and hate. ‘Pag ang isang tao ay sobra-sobra ang galit, nawawala siya sa sense of decency, sa aking paningin..How you manage ‘yung hate sa iyong katawan at ‘yung nasasaktan ka, it’s also a test of your character,” punto ni Acop.

Ang mga nakakabiglang pahayag ng pangalawang pangulo ay ginawa sa isang press conference isang araw matapos maungkat sa House Blue Ribbon Committee ang P16 million na CIF na ginastos para sa renta ng safehouses sa loob ng 11 araw.

Kasama rin sa nabunyag pag paggamit ng P15 million din na CIF naman ng DepEd nung si VP Duterte pa ang kalihim, para sa Youth Leadership Summit na kalaunan ay sinabi ng mga opisyal ng militar na AFP at LGU ang gumasots para dito. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us