Karagdagang 1,000 family food packs, ipinadala ng DSWD sa Batanes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang tigil pa rin ang relief efforts ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lalawigan ng Batanes na labis na hinagupit ng Bagyong Julian.

Sa tulong ng US military aircraft, karagdagang 1,000 family food packs ang ipinadala ng DSWD sa Batanes para sa mga apektadong pamilya sa lalawigan.

Ayon sa DSWD, bahagi ito ng inisyatibo ng US government para makapaghatid ng karagdagang tulong sa isla ng Batanes.

Sa pinakahuling tala ng DSWD, umabot na sa higit ₱31-million ang naipaabot nitong tulong sa mga apektado ng Super Typhoon Julian.

Nasa 93,480 na pamilya naman o higit sa 322,000 na indibidwal ang naitalang apektado ng kalamidad sa Ilocos, Cagayan Valley, at Cordillera Administrative Region (CAR). | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us