Sa pangunguna ng Polytechnic University of The Philippines – San Juan campus, isinagawa nito ang kauna-unahang Interfaith Baccalaureate services nitong 12-Oktubre ng 2024 sa kanilang paaralan kung saan tampok dito ang apat na kilalang relihiyon sa bansa. Si Aleem Abdul Rahem Tawano ang kumatawan sa relihiyong Islam, si ka-Lualhati Macapagal naman sa Iglesia ni Cristo, si Mother Superior Philo Fernandez naman sa Sisters Adorers at si Pastor Norlyn Imbat sa Christian faith.
Ani Asst. Prof. Anna Madonna M. Arellano, Chair ng Interfaith Baccalaureate Service 2024, isang makasaysayan ang event na ito para sa kanilang unibersidad at sa kanilang mga mag-aaral.
“This historic event marks a significant milestone in our school’s journey, as we come together to honor the diversity of beliefs and experiences that have shaped our community. Our theme, A New Dawn: Embracing Diversity and Unity, is a testament to the rich tapestry of beliefs and experiences that have shaped you as individuals. It is also a reminder of the importance of fostering understanding, compassion, and cooperation among people of different faiths.”
Nagbahagi ng mga scriptures at mga dasal para sa mga magtatapos ng nasabing unibersidad ang mga nasabing panauhin.
Dagdag pa ni Arellano, umaasa sila na masusundan pa ng marami pang programa ng unibersidad ang ginawa nilang aktibidad na ang hangarin nito ay mapagkaisa ang buong pilipino sa ngalan ng kapayapaan maging ano pa man ang relihiyon ng bawat isa.| ulat ni Princess Habiba Sarip-Paudac