Katuwang ang Department of Human Settlements and Urban Development at ang National Housing Authority ay tuloy na ang pagtatayo ng in-city housing ng Valenzuela local government sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program.
Ngayong araw, pinangunahan ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian, DHUSD Undersecretary Gary De Guzman at NHA General Manager Joeben Tai ang ceremonial groundbreaking at capsule laying para sa kauna-unahang Progreso Village sa lungsod.
May lawak na 20,008 metro kwadrado ang Progreso Village Marulas at binubuo ng siyam na 11-palapag na residential buildings.
Magkakaroon ito ng kabuuang 1,530 housing units na layong makapagbigay ng disenteng pabahay sa mga taga-Valenzuela.
Ang Progreso Village Marulas ay isa lamang sa apat na pabahay na itinatayo sa lungsod na nasa ilalim ng 4PH Program.
Ayon kay Mayor Gatchalian, tututukan nito ang development ng pabahay at maglalagay din ng one-stop shop para matulungan ang mga residente na makapag-avail nito sa tulong ng PAG-IBIG. | ulat ni Merry Ann Bastasa