Kerwin Espinosa handang bawiin ang mayoralty bid bilang patotoo na di politika ang pagtestigo laban sa EJK

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan ang suspected drug lord na si Kerwin Espinosa na walang halong politika ang kaniyang pagharap sa Quad Committee laban sa extra judicial killings (EJK).

Nausisa kasi ni Quad Committee co-chair Dan Fernandez si Espinosa kung ano ang nag-udyok sa kaniya na tumestigo laban sa EJK.

Hindi kasi aniya maisasantabi na makwestyon nilang mga mambabatas kung bakit biglang lumabas si Espinosa na tumatakbo bilang alkalde ng Albuera Leyte.

Ani Espinosa, hustisya para sa ama ang kaniyang dahilan at handa rin aniya siyang talikuran ang politika.

Katunayan, kung kailangan ay babawiin niya ang kaniyang kadidatura upang mailabas ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng kaniyang ama na si dating Albuera Mayor Rolando Espinosa.

“What is your priority?  Running as a mayor or seeking the truth for your father?”  tanong ni Fernandez

Sagot ni Espinosa, “Hustisya po para sa Papa ko, kaya kong talikuran ‘yang pulitika.

Pagpapatuloy ni Fernandez, “So in other words in seeking the truth, and to prioritize in finding out the truth about the death of your father, you’re willing not to run anymore.”

“Yes po…I am willing to withdraw.” pagtiyak ni Espinosa

Nagdesisyon din siyang lumutang sa Quad Comm dahil napanood niyang marami nang nagsasalita na biktima ng EJK sa mga pagdinig. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us