Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang publisher na si Dante Francis Mariano Ang ll bilang chairperson ng Commission on Filipino Overseas.
Lumabas ang appointment papers ni Ang na may petsang October 16 at may lagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang chairperson ng Commission on Filipinos Overseas (CFO) ay may tungkuling pangasiwaan ang mga programa at polisiya na naglalayong protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga Pilipino sa ibang bansa
Si Ang ay chairman emeritus ng The Manila Times at humawak din ng posisyon sa nakaraang administrasyon bilang special envoy para sa international public relations. | ulat ni Merry Ann Bastasa