Umakyat ng mahigit 400 percent ang kita ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa loob ng pitong buwan ng 2024.
Umaabot sa P95.2 billion ang naitalang kita ng BSP mula January to July, mula sa P18.5 billion sa parehas na mga buwan noong 2023.
Tumaas din ang kita ng central bank sa 57.1% o katumbas ng P190.6 billion mula sa P121.3 billion.
Base sa datos ng BSP, nag-improve din ang interest income, miscellaneous income kabilang ang trading gains at losses, fees, penalties at iba pang operating income nito.
Ang pagtaas ng net income ay bunsod ng foreign exchange rates fluctuation, income tax, and capital reserves na nagkakahalaga ng P64.9 billion- maituturing na malaking pagbawi mula sa P15.8 billion loss noong 2023.
Sa ngayon ang net worth ng BSP ay nasa P230.9 billion, mas mataas ng 77.2% mula noong 2023 na nasa P130.3 billion. | ulat ni Melany Valdoz Reyes