Sinuspinde ni Ozamiz City Mayor Atty. Henry F. Oaminal Jr. ang klase sa lahat ng antas sa publiko at pribadong paaralan sa lungsod ng Ozamiz epektibo ngayong araw ng Miyerkules, Oktubre 23, dulot ng nararanasang hagupit ng bagyong #KristinePH.
Batay ito sa inilabas na abiso ng alkalde kaninang alas-4 ng madaling araw.
Aniya, ito ay upang unahin ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa lungsod.
Samantala, ang naturang bagyo ay kasalukuyang nasa Storm Surge Warning no. 5 ayon sa panibagong ulat ng DOST-PAGASA kaninang alas-8 ng umaga. | Ulat ni Sharif Timhar | RP1 Iligan