Koneksyon ng grupong nasa likod ng pagpatay kina dating PCSO Official Wesley Barayuga at Tanauan City Mayor Antonio Halili, sinisilip na rin ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinisilip na rin ng Philippine National Police (PNP) ang posibilidad na iisang grupo lamang ang nasa likod ng pagpatay kina dating PCSO Board Secretary Welsey Barayuga at Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PBGen. Jean Fajardo, inaalam na nila ang posibilidad na konektado ang dalawang naturang krimen.

Magugunitang lumutang sa naging pagdinig ng House Quad Committee na pawang mga pulis ang isinasangkot sa krimen.

Gayunman, sinabi ni Fajardo na ayaw niyang pangunahan ang nagpapatuloy na imbestigasyon lalo’t itinuturing itong sensational case.

Kaya’t hahayaan na lamang nila ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa paghalukay sa naturang kaso upang malaman ang kalaliman nito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us