Nais ni Senadora Risa Hontiveros na maimbestigahan ang mga kontrata na iginagawad ng Commission on elections (COMELEC) para pangasiwaan ang 2025 elctions.
Ginawa ng senadora ang pahayag kasunod ng pag-atras ng St. Timothy Construction Corp. sa joint venture nito sa Miru Systems.
Ayon kay Hontiveros, dapat gamitin ng mataas na kapulungan ang oversight functions nito para busisiin ang sitwasyon.
Tanong ng mambabatas, ngayong umatras ang St. Timothy Construction ay may kakontrata pa ba ang COMELEC dahil sa ilalim ng batas tungkol sa partnerships, ang pag-atras ng isang joint venture partner ay mawawalan na ng bisa ang joint venture.
Kinuwestiyon rin ng senadora na kung magpapatuloy ang joint venture ay mayroon pa rin ba itong financial capacity na kailangan para sa kontrata.
Sa isang banda, pinahayag ni Hontiveros na hindi sana nagkakaroon ng problema ngayon ang comelec sa biglaang pag atras ng st. timothy kung una pa lang ay naging mas competitive, masusi ang bidding process at nakita na ng poll body ang mga red flag sa bidding.| ulat ni Nimfa Asuncion