Korte Suprema, naglabas ng TRO laban sa paglilipat ng bilyon-bilyong pisong pondo ng PhilHealth sa National Treasury

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pansamantalang pinigil ng Korte Suprema ang paglilipat ng bilyon-bilyong pisong pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa National Treasury.

Sa isinagawang en banc session ng mga mahistrado ngayong Martes, Oktubre 29,  naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema laban sa naturang plano ng pamahalaan.

Nagpasya rin ang mga mahistrado na pag-isahin na lamang ang mga petisyong idinulog ng grupong 1Sambayan Coalition, UP Law Class of 1975, Bayan, dating Supreme Court Senior Associate Justice at iba pa.

Pumapalag ang mga petitioner sa naturang paglilipat ng pondo, dahil sa anila ay labag sa Saligang Batas.

Sa tala, umaabot sa P80 bilyong special funds ng PhilHealth ang balak ilipat sa National Treasury. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us