Maghahain ng reklamo sa House Committee on Ethics si BHW party-list Rep. Angelica Natasha Co laban sa kapwa party-list congressman na si Agri party-list Rep. Wilbert Lee.
Bunsod ito ng inasal aniya ng mambabatas noong huling araw ng budget deliberations.
Matatandaan na habang nagmomosyon si Senior Deputy Minority leader Paul Daza para tapusin ang deliberasyon ng budget ng DOH ay inagaw ni Lee ang mikropono at kinuwestyon ang proseso ng pagtalakay sa panukalang pondo.
Para kay Co, hindi lang ito kawalan ng paggalang sa House Rules ngunit pag atake rin sa kaniya bilang budget sponsor.
“I reject his insincere justification of his actions. I deplore his disrespect of the House and its Rules. He disrespected and attacked this Representation and the whole Committee on Appropriations. I condemn Congressman Lee’s attack on us, the women Representatives defending the 2025 budget. I, therefore, ask the Committee on Ethics to formally conduct an inquiry into Congressman Lee’s actions and lame excuse.” sabi ni Co.
Ngayong linggo aniya siya pormal na maghahain ng reklamo sa Ethics Committee.
Marami rin aniyang mga kasamahan niya nag nagpahayag na susuportahan ang kaniyang hakbang.
Maliban dito, nais din aniya niyang mag usap ang Majority at Minority sa kung anong disciplinary actions ang maaaring ipataw sa kasamahang mambabatas.
Dapat din aniya mag public apology si Lee. | ulat ni Kathleen Forbes