Labis ang pasasalamat ni Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera na sa wakas ay nakamit na ang hustisya para kay Horacio ‘Atio’ Castillo III na nasawi dahil sa hazing.
Aniya, bilang pangunahing may akda ng Anti-Hazing Law, masaya siya sa ibinabang “Guilty” verdict ng Manila Regional Trial Court Branch 11 laban sa 10 miyembro ng Aegis Juris Fraternity na sangkot sa pagkamatay ni Castillo.
Gayonman, naniniwala si Herrera na aapela pa ang kampo ng mga akusado kaya aniya dapat maghanda ang Department of Justice (DOJ) para dito.
Pitong taon na ang nakalipas nang masawi si Castillo, na isang freshman Law student sa Univesity of Santo Tomas, dahil sa initiation rites na ginawa ng naturang fraternity. | ulat ni Kathleen Jean Forbes