Opisyal nang kakandidato sa pagka-Gobernador ng lalawigan ng Lanao del Norte si incumbent 1st District Rep. Mohamad Khalid Q. Dimaporo para sa darating na 2025 midterm elections.
Nakapaghain na rin ng Certificate of Candidacy (COC) si Dimaporo nitong Oktubre 8, sa huling araw ng paghahain ng pagkakandidatura.
Si Dimaporo ay naghain ng pagkakandidatura sa ilalim ng Lakas-Christian Muslim Democrats party (Lakas-CMD) kasama ang Team Quibranza Dimaporo.
Ayon kay Dimaporo, tinanggap nila ang payo ng kaniyang ina na si incumbent Governor Imelda Quibranza-Dimaporo upang hayaang makapaghaninga si dating Congressman Abdullah D. Dimaporo sa pulitika at patatakbuhin muli si incumbent 2nd District Rep. Sittie Aminah Q. Dimaporo.
Aniya pa, ang pinakamahalaga sa kaniya ay ang panatilihin at ipagpatuloy ang legasiya ng kaniyang mga magulang, lalung-lalo na kay Gov. Imelda Dimaporo. | ulat ni Sharif Timhar | RP1 Iligan