Pinag-aaralan na rin ng Department of Migrant Workers (DMW) ang alternate routes o paglikas sa mga Pilipino nasa Lebanon sa pamamagitan ng land o sea travel.
“We have 111 OFWs in four of our shelters; 63 po iyong nasa Hotel Monteverde; and then inilikas po natin kasi iyong nandudoon sa shelter natin sa MWO because we don’t want them in harm’s way kaya inilikas natin sila on safer shelter. Iyong isang shelter po natin 16. So, kung bibilangin po natin ito, 111 lang pero ang total po ng nagpapa-repatriate kasama po iyong ready for application for exit permits – halos 110 po yata iyon eh iyong ina-apply-an natin ng exit permits – so, 200 po iyan.” —Usec Olalia.
Pahayag ito ni Migrant Workers Usec. Bernarnd Olalia, sa gitna ng mga balakid na kinahaharap ng pamahalaan, upang makakuha ng flight para sa mga Pilipino doon.
“So, we took the liberty of chartering a flight ‘no. So, mayroon na po tayong kausap at hopefully ‘pag nabigyan po tayo ng landing rights, we will land our chartered flight there and sana iyong sitting capacity niya, we have an available 111 ready to be repatriated ay maisama na natin pauwi.” —Usec Olalia.
Sa kasalukuyan, hinihintay pa ng pamahalaan ang landing rights para sa chartered flight na manggagaling dito sa Pilipinas, upang mai-uwi na ang mga Filipino workers na nananatili sa shelters ng DMW sa Lebanon.
“The other challenge there is to secure, of course, the landing rights of our chartered flight ‘no care of the office of MWO in coordination with the Lebanese government.” —Usec Olalia.
Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ng opisyal na sakaling isara ang paliparan sa Beirut at mabigong makalapag doon ang inihahandang chartered flight ng Pilipinas, maaaring i-biyahe na lamang ang mga Pilipino sa pamamagitan ng land transportation.
Nakahanda na aniya ang rutang kanilang dadaanan patungong Damascus sa Syria.
Bukod dito, mayroon na ring kinakausap ang DMW na may-ari ng maritime vessels na maaaring magamit sa repatriation.
“Tulungan po natin sila. After their facilitated repatriation, pagdating po dito, we will be adopting a whole-of-government assistance – hindi lamang po pinansiyal, hindi lamang po lahat ng klase ng tulong, kung hindi iyong psychosocial services din dahil dumanas po sila nang katakut-takot na stress. Alam po natin iyong kanilang naranasan doon, and all of our government agencies involved will be there to help them as soon as they arrive safely here in the Philippines.” —Usec Olalia.
Kaugnay nito, siniguro ng opisyal na pinaghahandaan na nila sakaling lumala pa ang tensyon doon.
Nakaantabay na aniya ang lahat ng kanilang tauhan sa Middle East na maaaring magsilbing augmentation at tumulong sa pag-alalay sa mga Pilipino sa Lebanon.
“We already anticipated those events. In fact, our contingency plans in Israel, Lebanon, and Iran include ‘yung ganyang – the situation will become worse,” —Usec Olalia. | ulat ni Racquel Bayan