Dapat na mayroong malawak na plataporma ang mga partido na nais makibahagi sa kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ibig sabihin, dapat na inclusive o nagsisilbing boses ang mga ito sa lahat ng sektor ng lipunan, anuman ang relihiyon, edad, at pangkat na kinabibilangan ng mga mamamayan ng BARMM.
“Iyong isa pong batayan ‘ika nga for the selection noong mga parties, dapat ho kasi malawak iyong kanilang platform of governance. So, ibig sabihin, ang kanila pong platform of governance dapat it also speaks to different sectors in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao kasama na po iyong mga kapatid nating mga IPs, kasama na rin po iyong mga Christian settlers ho natin in the region.” —Pendatun.
Sa Bagong Pilipinas ngayon, sinabi ni BARMM Spokesperson Mohn Asnin Pendatun, na kung sa plataporma pa lamang ay hindi na safeguarded o wala nang katiyakan na kakatawanin ng mga partido ang lahat ng sektor ng lipunan; O wala rin sa priority o agenda ng mga ito ang pagkakaroon ng religious freedom at inclusivity, malinaw aniya na makakaapekto ito sa performance o resulta ng kanilang eleksyon sa susunod na taon.
“So, kung ito po ay hindi masi-safeguard, this will ultimately affect iyong kanila pong magiging performance o iyong magiging result po doon sa kanilang ‘ika nga ay electio, in the next parliamentary elections ho next year.” —Pendatun.| ulat ni Racquel Bayan