Pina-iimbitahan ngayon ng Quad Committee ang isang Lieutenant Colonel Alborta para bigyang linaw ang pagkamatay ni Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili noong 2018.
Sa ika-walong pagdinig ng Quad Comm, sinabi ni dating PCSO GM Royina Garma na isang Col. Alborta ang ipinagmalaki na kasama siya sa grupo na pumaslang sa alkalde.
Ayon kay Garma, kalat naman ang istorya ng mga malalaking opisyal na namamatay sa kasagsagan ng war on drugs.
Kasama na nga rito si Halili.
“It was public knowledge, it was in the newspaper like the couple na Odicta, ‘di ba namatay po ‘yon? Mayor Halili, mga mayors,” aniya.
Dito siya inusisa ni Quad Comm co-chair Dan Fernandez kung ano ang nalalaman niya sa kaso ni Halili na pinatay habang isinasagawa ang flag ceremony sa city hall noong July 2, 2018.
May chismis ani Garma na sniper ang may gawa nito at ipinagmalaki pa ng ilan sa miyembro ng grupo na nagsagawa ng plano.
At isa mga rito ay si Alborta.
“He was shot during the flag raising ceremony, sniper po. Chismis lang kasi ‘yon Mr. Chair, I think imported — kasi during that time po sa war on drugs, pwede pong tumawid ‘yong mga operatives. Pinagmalaki kasi ng isa sir eh, na sila….Major Alborta, I think he was a lieutenant colonel, he bragged about that to me before, I said ‘oh really’? I asked ‘How did you do it?’” paglalahad ni Garma.
Dahil sa rebelasyon na ito, pinapaharap ni Fernandez sa komite ang naturang police official.| ulat ni Kathleen Forbes