Lebel ng tubig sa Marikina River, unti-unti nang bumababa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatili pa rin sa unang alarma ang antas ng alerto sa Marikina River matapos bumaba na mula bulubunduking bahagi ng Rizal ang ulang dala ng bagyong Kristine.

Batay sa ulat ng Marikina City Rescue 161 as of 8AM, bumalik sa 15.4 meters ang lebel ng tubig sa naturang ilog.

Una rito, itinaas sa ikalawang alarma ang alerto sa ilog matapos sumampa sa 16 meters ang lebel ng tubig, dahilan upang magsilikas ang mga residente lalo na sa mga mabababang lugar.

Bakas pa rin sa bahagi ng Marikina River Park ang mga putik na iniwan ng pag-apaw ng ilog habang may bahagi pa rin nito ang lubog sa baha.

Gayunman, ilang residente rito ang naabutan ng Radyo Pilipinas kanina na naghihintay ng magandang pagkakataon para makapamansing. Karaniwan kasi sa kanilang mga nahuhuling isda rito ay Hito, Tilapia, Plapla (malaking Tilapia), at Gurame.

Ayon kay Mang Antonio na taga-Brgy. Sto. Niño, naging pampalipas oras na niya ang pamamansing sa ilog lalo’t nakalilibre siya ng pang-ulam sa araw-araw.

Kadalasan aniyang nakahuhuli sila ng apat hanggang pitong kilo ng isda depende sa tagal ng kanilang pananatili sa ilog. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us