Sumailalim sa apat (4) na araw na seminar-workshop ng Philippine Rural Development Project (PRDP) Scale Up ang Pamahalaang Probinsyal ng Lanao del Norte at Pamahalaang Pambayan ng Initao, Misamis Oriental, mula Oktubre 1 hanggang 4, sa Cagayan de Oro City.
Pinangunahan ito ng Department of Agriculture (DA) PRDP sa pamamagitan ng Enterprise Development Component (I-REAP).
Ayon kay I-REAP Component Head Larry E. Paraluman, layunin nitong pahusayin ang modelo ng negosyo para sa pinagsama-samang pasilidad ng niyog.
Suportado naman ni DA-10 Regional Executive Director at DA PRDP 10 Project Director Jose Apollo Y. Pacamalan ang pagsasagawa ng mga feasibility studies at paghahanda ng mga business proposals.
Layunin ng I-REAP Component na paunlarin ang mga negosyong nakabase sa agrikultura at pangisdaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong teknikal, pinansyal, at imprastruktura sa mga karapat-dapat na grupo. | ulat ni Sharif Timhar | RP1 Iligan