Ligtas na migration at disenteng trabaho para sa OFWs, natalakay sa courtesy call ng ILO sa DMW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumisita sa tanggapan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang International Labour Organization (ILO) upang pag-usapan ang ligtas na pagtatrabaho sa ibang bansa para sa mga overseas Filipino worker (OFW).

Nagkasundo sina DMW Secretary Hans Leo Cacdac at ILO Country Director Khalid Hassan, na magtulungan para sa maayos na kalagayan ng mga OFWs mula sa kanilang pag-alis hanggang sa kanilang pagbabalik sa bansa.

Sinigurado ni Cacdac ang suporta ng Pilipinas sa mga proyekto ng ILO tulad ng “Ship to Shore Rights Initiative,” na naglalayong protektahan ang mga OFW sa fishing at seafood processing sectors sa Southeast Asia.

Samantala sa iba pang balita, nakauwi na sa Pilipinas ang 461 mga OFW at 28 dependents nito mula sa Lebanon.

Ito ay matapos makabalik sa bansa ang 48 Pilipino mula sa anim na flights kahapon.

Matatandaang ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang paggamit ng resources ng gobyerno para ilikas ang mga Pilipinong naipit sa gulo, sa pagitan ng Israel at Hezbollah, at iba pang kaguluhan sa Middle East. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us