Matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng Egg Production Livelihood Package sa mga benepisyaryo ng Babaeng May Itlog Program, kung saan naipamahagi ang mga libreng ready-to-lay na manok at feeds sa limang (5) Women’s Association ng Probinsya ng Dinagat Islands.
Ibinahagi ito sa pamamagitan ng tanggapan ng Provincial Veterinary Office, at layunin nito na mapalakas ang programang tinatawag na “Livelihood Remedy.”
Nakatanggap ang bawat asosasyon ng livelihood package na mayroong 300 na layer chicken at 18 bags ng feeds, na makakatulong upang madagdagan ang kanilang kita.
Sa pamamagitan ng Livelihood Remedy program, mabibigyan ng maayos na kabuhayan ang mga kababaihan sa naturang lalawigan. | ulat ni Jezreel Sudario | RP1 Butuan