Kinansela ng Department of Migrant Workers (DMW) ang lisensya ng Buwan Tala Manning Inc. dahil sa paglabag sa karapatan ng mahigit 300 mangingisdang Pilipino.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, naghain ng reklamo ang mga mangingisda sa Migrant Workers Protection Bureau laban sa manning agency dahil sa hindi pagbabayad ng sahod, pagtatrabaho ng lampas sa oras, at umano’y pagpapakain sa kanila ng expired food.
Inakusahan din nila ang manning agency ng pagpilit sa kanila na mangisda nang iligal.
Agad na nagbigay ng tulong ang DMW sa mga mangingisda, kabilang ang legal assistance sa pagsasampa ng kaso laban sa Buwan Tala Manning Inc., tulong pinansyal, at iba pang suporta sa ilalim ng DMW reintegration programs.
Sa ngayon, inihahanda na rin ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa manning agency.| ulat ni Diane Lear