Ang mga pagsisikap ng gobyerno na wakasan ang komunismo at insurhensya ay nagbunga ng isa pang milestone. Ito ay dahil ang mga nag-aadbokasya ng kapayapaan sa Sarangani Province ay nagtipon-tipon sa planning workshop para sa Transformation Program (TP) ng mga Former Rebels (FRs).
Ang kanilang dalawang araw na workshop kamakailan ay inilunsad sa Greenleaf Hotel sa General Santos City at ito ay pinasimunuan ng Local Peace Engagement (LPE) Cluster ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sa pamamagitan ng co-chair nito, ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU), kasama ang provincial government ng Sarangani na pinanguluhan ni Governor Rogelio Pacquiao.
Ayon kay Resource Speaker Oliver Binancilan, Operation Head ng Local Conflict Transformation ng Mindanao, “Ang TP plan ay kinapalooban ng lahat ng impormasyon at mga layunin ng pagsisikap upang maiwasan ang muling pagsulpot ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa Sarangani Province.”
Ang Transformation Program ay naglalayong tiyakin ang kumpletong transformation at full integration ng mga FRs sa mainstream society at patatagin ang development ng mga komunidad na na-clear na sa Communist Terrorist Groups (CTG).
Layunin din nito na resolbahin ang mga pangangailangan ng mga dating rebelde, kanilang mga pamilya, at kanilang mga komunidad upang matulungan sila sa kanilang transformasyon o pagbabago at patatagin laban sa impluwensya ng mga CTGs.
Ang workshop ay dinaluhan ng mga miyembro ng Provincial at Municipal Task Force ELCAC, Peace and Order Council, National Government Agencies, at iba pang partners para sa kapayapaan, stakeholders, kasama ang napakaraming FRs. Sa gayon, makakalap ng mga pananaw kung paano pa pagbutihin ang TP plan. | ulat ni Nitz Escarpe | RP1 Davao