LRT-1 limitado ang magiging byahe ngayong araw dahil sa epekto ng bagyong Kristine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Apektado na rin ng bagyong Kristine ang byahe ng LRT Line 1. 

Pero sa kabila nito ay tiniyak ng LRT-1 private operator Light Rail Manila Corporation (LRMC) na magpapatuloy ang kanilang commercial operation ngayong araw. 

Giit ng LRMC ito ay mula Central Terminal lamang hanggang  Fernando Poe Jr. Station at pabalik. 

Paliwanag ng LRMC, patuloy pa rin kasi ang ginagawa nilang clearing operations sa mga istasyon sa pagitan ng EDSA at Libertad. 

Inaalam din anila nila ang tindi ng impact ng nasabing bagyo sa kanilang mga pasilidad at nagsasagawa ng mga kinakailangang pagkukumpuni. 

Masusi din ang ginagawang inspeksyon ng kanilang opisina sa lahat ng istasyon at mismong mga riles para matiyak ang kaligtasan ng lahat. 

Kasabay nito ay tiniyak ng LRMC na patuloy ang kanilang monitoring sa bagyong kristine at patuloy ring mag lalabas ng impormasyong hinggil sa estado ng LRT-1 operations.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us