Ihahatid ng Land Transportation Office (LTO) sa Bicol Region ang relief goods para sa mga biktima ng bagyong Kristine.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, mga sako-sakong bigas, hygeine kits at iba pang basic necessities ang donasyon na ipapadala sa lalawigan mula sa kanilang pamilya.
Pinuri din ng LTO Chief ang lahat ng LTO Personnel na nagkusang tumulong sa mga local resident sa kani-kanilang lugar matapos ang pananalasa ng bagyo.
Sa Bicol Region, tumulong na rin ang LTO personnel sa repacking at distribusyon ng relief goods.
Nagsilbi umanong repacking center ang LTO Pamplona District Office.
Kabilang din ang LTO Naga, na bukod sa pagtulong sa relief distribution katuwang din sila sa rescue operation sa gitna ng mga pagbaha. | ulat ni Rey Ferrer