Maituturing na speculative effect lamang ng gulo sa Middle East ang nararanasang pagtaas sa presyo ng krudo sa bansa, nitong mga nakaraang linggo.
Pahayag ito ni Energy Director Rino Abad, sa harap ng naka-ambang higit piso na dagdag singil sa fuel products simula bukas (October 14).
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, ipinaliwanag ng opisyal na nagsimula kasing naramdaman ang paggalaw ng presyo ng krudo noong inatake ng Iran ang Israel.
Ayon sa opisyal, sa kabila ng patuloy na pagtaas ng tensyon sa Middle East, wala naman itong naging epekto sa galaw ng supply ng langis sa rehiyon.
Bukod dito, maging ang bagyong Milton na tumama sa Estados Unidos, hindi rin maituturing na may epekto sa global market ng langis lalo’t ang Florida, hindi rin naman aniya maituturing na kabilang sa oil producing region.
“Maaga pa para umepekto agad sa global market, unang una ang area na iyan, Florida, hindi naman oil producing region, di yan malakihan ang oil. Pangalawa, kung may effect man iyan, ang tatamaan niyan ay domestic at localize impact sa infrastructure, at hindi sa oil supply.” -Dr. Abad. | ulat ni Racquel Bayan