Pormal nang inilunsad ng Lungsod ng Mandaluyong ang Integrated Underground Wiring System.
Layon ng proyektong na ilipat ang mga kable ng kuryente, komunikasyon, at iba pang utility cables mula sa mga poste sa ilalim ng lupa.
Ayon kay Mandaluyong City Mayor Ben Abalos, malaking tulong ang ang programa sa pagpapabuti ng kaligtasan at kaayusan sa lungsod, dahil mababawasan ang panganib ng sakuna na dulot ng mga lumalaylay na kable o pagbagsak ng mga poste.
Nakatakda itong simulan sa Maysilo Circle, kung saan matatagpuan ang City Hall Complex, at susunod sa iba pang mga kalsada sa lungsod.
Kapag natapos ang proyekto, mas magiging komportable at ligtas ang mga residente at bisita ng lungsod.
Inaasahan ding mababawasan ang mga insidente ng power losses na kadalasang nakakaapekto sa mga negosyo, at mas magiging matatag ang serbisyo ng kuryente, na mahalaga lalo na sa panahon ng emergency o kalamidad. | ulat ni Diane Lear