Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang bahagi ng Maragusan, Davao de Oro kaninang madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (PHIVOLCS), bandang 4:20 ng madaling araw naganap ang pagyanig.
Naitala ang sentro nito sa layong 23 kilometro hilagang-silangan ng naturang bayan.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na siyam na kilometro sa lupa.
Naitala ang Intensity III sa Nabunturan, Davao de Oro.
Ayon sa PHIVOLCS, posible ang pinsala ng aftershocks kasunod ng pagyanig. | ulat ni Merry Ann Bastasa