Mahigit 1,300 OFWs na apektado ng giyera ng Israel at grupong Hamas, nakauwi na sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang taon makalipas ang madugong giyera sa pagitan ng Israel at grupong Hamas, umabot na sa mahigit 1,300 na overseas Filipino workers (OFWs) ang nakauwi sa bansa.

Sa isang pulong balitaan sa Mandaluyong City, sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Cacdac na alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. nagpapatuloy ang repatriation efforts ng pamahalaan para tulungan ang apektadong OFWs.

Aniya, karamihan sa mga nakauwing OFWs ay mula sa Israel, Lebanon, West Bank, at Gaza.

Nagpasalamat din si Cacdac sa gobyerno ng Israel sa ligtas na paglilikas ng nasa 2,000 OFWs sa Northern Israel, at ngayon ay kasalukuyan na aniyang nasa maayos na kalagayan.

Samantala, inihayag din ng kalihim na may tatlong shelters ngayon sa Beirut, Lebanon na tinutuluyan ng mahigit 100 OFWs dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Israel at grupong Hezbollah.

Inaasahan naman na mapapauwi sa bansa ngayong Oktubre ang 151 OFWs mula sa Lebanon pero maari pa itong madagdagan dahil sa sitwasyon doon.

Sa ngayon, nakataas ang Alert Level 3 sa Lebanon at ipinatutupad ang voluntary repatriation sa OFWs. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us