Mahigit 2.6 na milyong mag-aaral, apektado ng bagyong Julian — DepEd

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinatayang aabot sa mahigit 2.6 na milyong mag-aaral ang apektado, habang nasa ₱85-milyon naman ang pinsalang natamo ng mga paaralan dulot ng pananalasa ng bayong Julian.

Batay ito sa ulat ng Department of Education (DepEd) mula sa 8,200 paaralan sa 37 Division sa limang rehiyon, partikular na sa Ilocos, Cagayan Valley, Cordillera, Central Luzon, at CALABARZON.

Mula sa nabanggit na bilang, 22 sa mga apektadong paaralan ang binaha, 23 ang kasalukuyang ginagamit na evacuation center, habang nasa 14 ang totally damaged at 100 ang partially damaged.

Nakasaad pa sa ulat ng DepEd na nasa mahigit 130,000 mga guro at non-teaching personnel ang apektado rin ng kalamidad.

Batay sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD), pinakamatinding napuruhan ng pananalasa ng bagyong Julian ang lalawigan ng Batanes kung saan, maraming istruktura gaya ng mga paaralan ang nawasak ng bagyo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us