Handa ang Philippine Red Cross (PRC) para umalalay sa papalapit na UNDAS sa Biyernes, November 1.
Ayon sa PRC, aabot sa mahigit 2000 volunteer first aider nito ang kanilang ipakakalat sa mga sementeryo para magbigay serbisyo sa publiko na gugunitain ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Kasunod nito, maglalagay din ang PRC ng 320 first aid stations sa buong bansa na matatagpuan sa mga istrathikong lugar kung saan, may mga ambulansiya at mobile unit din silang ipadadala.
Maliban sa mga sementeryo, may help desk din sila sa mga highway, bus terminal, pantalan, gasolinahan, mga dalampasigan, paliparan, simbahan, mall gayundin sa mga barangay hall.
Magsisimula ang deployment ng PRC bukas, October 30 upang salubungin ang unang balsada ng mga daragsa sa mga sementeryo na tatagal haggang November 3. | ulat ni Jaymark Dagala