Mahigit 37,000 paaralan, apektado ng bagyong Kristine — DepEd

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng mga apektadong paaralan dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine.

Batay sa datos ng Department of Education (DepEd), pumalo na sa 37,375 paaralan ang apektado buhat sa 15 rehiyon.

Tumaas din ang bilang ng mga paaralan na nagsisilbi ngayong evacuation centers na nasa 352 habang ang mga binaha o natabunan ng gumuhong lupa ay nasa 144 na.

Umakyat na rin sa ₱1.06-bilyong piso ang naitalang pinsala sa mga paaralan dulot ng bagyong Kristine.

Nasa 322 rito ang “totally damaged” o tuluyang nasira habang nasa 504 ang partially damaged o bahagyang nawasak ng bagyo.

Samantala, aabot naman sa mahigit 19 na milyong mag-aaral ang naapektuhan ng bagyo gayundin ang nasa 733,739 mga guro at non-teaching personnel. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us